Ano ang mga sintomas ng allergic rhinitis?

Ang histamine ay nagdudulot ng mga sintomas ng allergic rhinitis tulad ng:

  •     Pamamaga ng ilong
  •     Labis na sipon o uhog
  •     Pagbara ng ilong
  •     Pangangati ng ilong
  •     Labis na pag-bahing
  •     Pangangati ng lalamunan
  •     Pagluluha ng mga mata

Maaari din magbago o lumala ang mga sintomas depende sa panahon at kaganapan:

  • Para sa mga may allergy sa pollen, mas malala ang mga sintomas na nararamdaman sa panahon na mas laganap at namumukadkad ang mga bulaklak.
  • Ang mga kababaihan na nagdadalang tao ay may mas malalang reaksyon sa mga allergens.
  • Ang allergy ay maari namang humina kasabay ng pagtanda ng tao.
  • Sa panahon ng paglalagas ng mga alagang hayop, mas nagiging madalas at minsa’y mas malala ang sintomas sa taong may allergy sa balhibo