Ang pinaka-karaniwang sintomas ng Alzheimer’s Disease ay ang pagiging malilimutin, o panghihina na memorya at ibang pagbabago sa pag-iisip at pag-uugali na lumalala habang tumatagal, at kapag malala na ay nakakaapekto narin sa pisikal na katawan.
Sa umpisa: May konting pagbabago sa pag-iisip na pag-uugali, katulad ng pagiging malilimutin, lalo na sa mga kaganapan at pangyayaring katatapos lamang, at kawalan ng konsentrasyon sa ginagawa o iniisip.
Habang tumatagal: Mas lalong lumalala ang pagiging malilimutin; nahihrapang makapag-usap sa mga tao dahil sa kakulangan ng mga salita. Kawalan ng abilidad na mabuhay nang mag-isa; pagkakaroon ng pangangailangang alalayan sa iba’t ibang gawain. Sa antas na ito, nagkakaroon rin ng mga matinding pagbabago sa personalidad. Maaaring magkaroon ng mga “mood swings” o biglaang pag-iiba na ugali, o di kaya pagiging magalitin o bugnutin.
Kapag malala na: Halos hindi na makausap, at hindi narin makaintindi; buong-buo nang nakasalaysay sa mga nag-aalaga, ang katawan ay lumiliit dahil hindi na nagagamit ang mga masel. Hindi na makalakad, at nasa kama na lamang. Ang mga sintomas na ito ay itinuturing na senyales na “terminal” na ang karamdaman, at malapit nang mauwi sa tuluyang pagkamatay.