Dahil ang anemia ay nagdudulot sa kakulangan ng oxygen sa katawan, ang mga sintomas nito ay panghihina ng katawan, at ang mga sumusunod:
- Pakiramdam na laging pagod
- Pangangalos
- Hapo o hirap sa paghinga
- Pagiging matamlay o maputla
- Hilo at pananakit ng ulo
- Mabilis pulikatin ang mga binti
- Hindi makatulog
Bukod sa mga sintomas na ito, maaaring may mga ibang sintomas, depende sa uri ng anemia. Halimbawa, sa iron-deficiency anemia, maaaring makaranas ng sore throat o parang may singaw sa bibig o lalamunan.
Tandaan, ang mga sintomas ng anemia ay nakadepende kung gaanong kalala ang kakulangan ng hemoglobin o red blood cell sa dugo. Kung hindi naman gaanong kalala ang anemia, maaaring walang maramdaman na sintomas, maliban sa pagiging mabilis mapagod.