Sakit ng tiyan ang pinakamahalagang sintomas ng appendicitis. Ang sakit ng tiyan na ito ay karaniwang naguumpisa sa gita (sa bandang itaas ng puson) at gumagapang patungo sa kanan at ibabang bahagi ng tiyan (sa kanan ng puson). Subalit importanteng idiin na maraming kondisyon ang maaaring magpahiwatig ng kahalintulad na sintomas. Isa pa, mahalaga ring idiin na maraming anyo ng appendicitis na hindi pangkaraniwan – maaaring ibang parte ng tiyan ang sumakit dahil dito. Bilang buod, ito ang mga katangian ng karaniwang sakit na nararamdaman sa appendicitis:
- Masakit na masakit
- Mahapdi at makirot
- Sa bandang tagiliran / kanan ng puson
- Lagpas na ng 24 oras
- Hindi nawawala sa mga pain reliever
Mga iba pang sintomas ng appendicitis:
Kailan dapat magpatingin sa doktor?
Sa oras na maranasan ang mga nabanggit na sintomas ng appendicitis, agad na nang magpatingin sa doktor. Ang kondisyong ito ay nangangailangan ng agarang lunas bago pa man pumutok ang namamagang appendix at magdulot ng komplikasyon.