Ano ang mga sintomas ng bangungot?

Ang taong binabangungot ay kadalasang nakakaranas ng isa o kombinasyon ng mga sumusunod na sintomas:

  • Madalas na nagigising sa gabi
  • Pag-ungol habang natutulog
  • Masamang mga panaginip
  • Hirap sa paghinga habang natutulog
  • Mabigat na pakiramdam na parang may nakadagan sa dibdib.

Kailan dapat magpatingin sa doktor?

Ang bangungot ay maaaring ituring na isang “medical emergency” at dapat humingi kaagad ng tulong, o dalhin kaagad ang taong binabangungot sa ospital. Kung ang bangungot ay tunay ngang “Brugada syndrome”, kailangang makita ang tibok ng puso sa ECG at gamutin kung kinakailangan. Kung nahihirapan naman na makatulog o nakakaranas na ng insomnia dahil sa madalas bangungutin, bakabubuting magpatingin na sa dokor. Dito’y binibigyan ng mga payo, therapy o kaya ay gamot na makatutulong para manumbalik sa normal angpagtulog.