Ano ang mga sintomas ng beke o mumps?

Pamamaga ng mga glandula ng laway o salivary glands ang pinakamahalagang sintomas ng beke. Ito’y makikita bilang pamamaga sa tagiliran ng panga at maaaring may kasamang pamumula, kirot, at pananakit habang ngumunguya o kumakain. Maaaring magkabila o sa iisang banda lamang maka-apekto ang beke. Maaari ring magkaroon ng lagnat at sakit sa ulo. Sa ibang kaso maaari ring mamaga ang bayag (orchitis). Ito’y nangyayari lalo na sa mga binata at mas matandang kalalakihan. Bukod sa mga ito, may iba pang sintomas na maaaring maranasan:

  • Pananakit ng ulo
  • Pagusuka
  • Kawalan ng gana sa pagkain
  • Madaling pagkapagod at pananakit ng mga kalamnan

Kailan dapat magpatingin sa doktor?

Magpatingin sa doktor kung hindi sigurado sa sintomas na nararanasan. Tandaan na ang mga sintomas ng beke ay kahalintulad din ng iba pang impeksyon sa glandula ng laway.