Sa maraming mga kaso, ni walang sintomas ang pagkakaron ng bulate sa tiyan. Kaya hindi komo ‘normal’ ang dating ng isang bata o tao ay masasabi nang wala siyang bulate sa tiyan. Sa iba naman, ang mga sintomas ay ang mga sumusunod:
- Paglaki ng tiyan
- Sakit o pagkirot ng tiyan
- Pagtatae
- Pagkaliyo at pagsusuka
- Pagbabawas ng timbang
Kapag may nakitang bulate sa puwet, o kaya sa bibig kung nagsuka, ito’y indikasyon na na may bulate sa tiyan (obvious ba?!).
Isa pa, dahil ang ilan sa mga bulateng ating nabanggit ay dumadaan sa baga ng tao kung saan lumalaki ang mga bulate, pwede ring magkaron ng mga sintomas gaya ng ubo, hirap huminga, at humuhuni na paghinga, parang may hika.