Ano ang mga sintomas ng Buni o Ringworm?

Ang buni ay maaaring matagpuan sa iba’t ibang parte ng katawan. Maaari itong kumalat sa anit o kaya naman sa balat ng katawan. Kung ang buni ay kumalat sa anit, maaring makita ang sumusunod na sintomas:

  • Tuyot at marupok na buhok. Kadalasa’y nalalagas ang buhok sa parte ng anit na apektado ng buni.
  • Matinding pangangati ng anit.
  • Mapula at mala-singsing sa patse sa anit.

Kung ang buni nman matatagpuan sa katawan, ang mga sintomas na maaaring mapansin ay ang sumusunod.

  • Pangangapal at pagkakaliskis ng bahagi ng balat.
  • Mapula at malasingsing na patse sa balat
  • Matinding pangangati ng bahagi ng balat na apektado

Kailan dapat magpatingin sa doktor kung may buni?

Magpakonsulta sa dermatologist o spesyalista sa balat kung hindi sigurado kung ano bang kondisyon ang nasa balat ng pasyente; at kung hindi tumatalab ang mga fungal cream laban sa buni. Maaaring magreseta ang dermatologist ng mas matapang na cream o kaya tableta na iniinom.