Ang dalawang pangunahing sintomas ng chikungunya ay mataas na lagnat (maaaring umabot ng 40 degrees C), pananakit ng kasukasuan, at rashes sa katawan lalo na sa may tiyan, dibdib, at liked. Bukod dito, narito ang mga sintomas:
- sakit ng ulo
- hilo at pagsusuka
- pamamaga ng mata, parang sore eyes
- Kawalan ng panlasa
- Hirap sa pagtulog
- Panghihina
Ilang araw pagkatapos makagat ng lamok mag-uumpisa ang sakit?
Ang pagitan sa pagkakakuha ng virus sa pamamagitan ng pagkakakagat sa lamok at ang pagkakaron ng sintomas ay tinatawag na incubation period. Kalimitan, ito’y tumatagal ng 2 araw hanggang isang linggo.
Ilang araw bago mawala ang sintomas?
Ang mga sintomas gaya ng lagnat ay biglaang nawawala makaraan ang 2 hanggang 4 na araw. Subalit may mga slang sintomas na maaaring magpatuloy hanggang isang linggo. Ang pananakit ng kasukasuan naman ay maaaring tumagal ng ilang buwan o taon, palo na sa mga matatanda. Ngunit para sa marami ito’y nawawala na sa loob ng ilang linggo.