Ano ang mga sintomas ng Cholera?

Ang mga sintomas na dulot ng Cholera ay maaaring maranasan ilang oras matapos makapasok ang mga bacteria, maaari rin naman sa loob ng 5 araw. Depende ito sa kung gaano kadami ang bacteria na nakapasok sa tiyan. Ang mga nararamdaman sintomas ay ang sumusunod:

  • Matubig na pagtatae
  • Pagsusuka
  • Mabilis na pagtibok ng puso
  • Kawalan ng elastisidad ng balat.
  • Panunuyo ng lalamunan, bibig at ilong.
  • Pagbagsak ng presyon ng dugo
  • Madaling pagkauhaw
  • Pamumulikat

Ang nilalabas na dumi ay sobrang matubig  kung kaya’t ang taong may cholera ay nanganganib na maubusan ng tubig sa katawan. Ang dumi rin ay may masangsang na amoy na tila malansang isda.

Kailan dapat magpatingin sa doktor?

Ang pagkakaroon ng cholera ay nangangailangan ng agarang pagpapagamot, kung kaya’t kinakailangan ang agad na atensyon ng doktor. Tandaan na ang Cholera ay maaaring makamatay kung mapapabayaan. Mabilis na mauubos ang tubig ng katawan dahil sa sakit na Cholera.