Ang mga sintomas na maaaring maranasan sa pagkakaroon ng constipation ay ang sumusunod:
- Bihirang pagdumi. Mas mababa sa tatlong beses ang pagdudumi sa isang linggo.
- Matigas na tae
- Pakiramdam na hindi kumpleto ang inilabas na dumi
- Matigas at nananakit na tiyan
- Pagsusuka
- Pakiramdam na parang may nakabara sa labasan ng dumi
Kailan dapat magpatingin sa doktor?
Makabubuting magpatingin sa doktor kung nagpapabago-bago ang nararanasang pagdudumi at kung nararanasan ang mga sintomas na nabanggit. Kung matagal nang nararanasan ang hirap sa pagdumi, makabubuti rin na kumonsulta sa doktor. Lalong kinakailangang magpatingin kung nagsimula nang maranasan ang mga komplikasyon na dulot ng hirap sa pagtae.