Iba’t iba ang presentasyon ng dengue fever; may parang trangkaso lang, meron ding mga malala. Karaniwan, heto ang mga sintomas:
- Mataas na lagnat (higit 39 degrees)
- Sakit ng ulo, pagliliyo, at pagsusuka
- Sakit ng kalamnan
- Sakit ng kasukasuan
- Rashes na parang tigdas
- Pagdududugo
Ang malalalang kondisyon ng dengue ay sadiyang nakaka-alarma sapagkat ito ay kadalasang may sintomas ng pagdurugo sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ang mga ito ay senyales ng hemorrhage o pagdurugo sa loob ng katawan. Narito ang mga sintomas ng malalang dengue:
- Mga tuldok-tuldok na pula sa balat
- Madaling duguin ang gilagid kahit sa pagsisipilyo lang
- Maitim ang kulay ng dumi
- Pagdudugo sa ilong (Balingoyngoy o nosebleed)
Ang iba pang sintomas na nakaka-alarma ay ang sumusunod:
- Pagod na pagod ang pakiramdam
- Nahihirapang huminga.
- Masakit na masakit ang tiyan
Kailan dapat magpatingin sa doktor?
Image Source: newsnetwork.mayoclinic.org
Kung ikaw o ang iyong kapamilya o mahal sa buhay ay nakakaranas ng mga sintomas na ating nabanggit, kaagad magpatingin sa doktor upang ma-examine at mabigyan ng nararapat na solusyon. Huwag mag-aksaya ng oras, ang matagumpay na gamutan sa sakit na dengue ay nakasalalay sa agad na paglapit sa mga pagamutan.