Ano ang mga sintomas ng diabetes?
Dahil ang diabetes ay isang pangmatagalang kondisyon, maaari itong mapansin sa iba’t ibang yugto ng paglala ng sakit. Sa una, maaaring konti pa lamang ang sintomas pero kapag ito’y napansin na medyo matagal na, pwedeng marami nang nararamdaman ang isang pasyente. Subalit marami dito ang hindi basta-basta mapapansin lalo na kung nakasanayan na:
Image Source: unsplash.com
- inom ng inom ng tubig (polydipsia)
- ihi ng ihi (polyuria)
- palaging naiihi sa gabi (nocturne)
- malakas kumain at palaging gutom
- pagbabawas ng timbang o pamamayat
- Pagod at pagiging matamlay
- panlalabo ng mata
- Mabagal gumaling ang mga sugat
Maaari ring ma-detect ang diabetes kahit wala pang sintomas kung makita sa regular check-up na mataas ang blood sugar sa laboratory test.