Ang mga sintomas at senyales na kaugnay ng sakit na diphtheria ay maaaring maranasan matapos ang 2 hanggang 5 araw mula sa pagkakahawa sa sakit. Narito ang mga sintomas na maaaring maranasan:
- Makapal, at mala-abong patong o membrane sa lalamunan
- Pananakit ng lalamunan o sore throat
- Pamamaga ng mga kulani sa leeg
- Hirap sa paghinga
- Pagtulo ng sipon
- Lagnat
- Bigat ng pakiramdam
Minsan pa, ang sakit na diphtheria ay maaaring makaapekto sa balat. Ang kondisyong ito ay tinatawag na cutaneous diphtheria. Dahil dito, maaaring maranasang ang mga sumusunod naman na mga sintomas:
- Pananakit sa balat
- Pamumula ng balat
- Pamamaga ng balat
- Pagsusugat na may kasamang makapal na mala-abong patong
Kailan dapat magpatingin sa doktor?
Kaagad na magpatingin sa doktor, o dalhin sa doktor ang inyong anak, kung may suspetsa na may sakit na diphtheria, lalo na kung hindi siguradong may sapat na bakuna laban sa sakit.