Ano ang mga sintomas ng Ebola virus o sakit na Ebola?

Ang mga sintomas ng Ebola ay ang mga sumusunod:

  • Lagnat (Fever)
  • Sakit ng ulo (Headache)
  • Pananakit ng katawan (Body pains)
  • Pananakit ng kasukasuan (Joint pains)
  • Panghihina ng katawan (Weakness)
  • Pagtatae and pagsusuka (Diarrhea and vomiting)
  • Kawalan ng ganong kumain (Loss of appetite)
  • Pagdudugo (Bleeding)
  • Pamumula ng mata at katawan (Red Eyes or Rashes)

Tandaan: Ang pagkakaron ng mga sintomas na ito ay hindi nangangahulugan ng ikaw ay may Ebola, sapagkat marami ding ibang sakit na ganito ang mga sintomas gaya ng trangkaso at Dengue fever. Ngunit kung ikaw ay nagbyahe sa Africa, lalo na sa mga bansang may kompirmadong kaso ng Ebola, sumanggali kaagad sa pinkamalapit na doktor o ospital para masuri at magamot.

Ilang araw bago lumabas ang mga sintomas?

Kalimitan, 8 hanggang 10 araw pagkatapos ng exposure o pagkakahawa, subalit pwede ring mula 2 hanggang 21 na araw.