Ano ang mga sintomas ng galis sa balat?

Ang galis sa balat ng tao ay pangkaraniwan at maaaring makaapekto sa kahit na anong edad. Kadalasang matatagpuan ito sa dibdib, braso, palat, tiyan, puwet maselang bahagi ng babae at lalaki, binti at sa paa. Ito’y makapagdudulot ng mga sumusunod na sintomas:

  • Pangangati. Ang pangunahing sintomas ng paggagalis ay ang matinding pangangati ng apektadong balat. Ito ay nagsisimula sa isang bahagi lamang ng katawan at kumakalat. Ang pangangati ay pinakamatindi sa gabi habang natutulog at pagkatapos ng pagligo.
  • Bakas ng mga kuto (burrows). Makikita sa mga apektadong balat, partikular sa palad, ang maiitim o mala-abong mga guhit. Ang mga ito ay likha ng mga maliliit na kuto sa balat.
  • Butlig-butlig (rashes). Ang mga mapupulang rashes sa balat ay kaakibat ng pangangati na nararanasan. Ito ay pinakamadalas sa hita, dibdib, tiyan, kili-kili, at utong ng mga babae.
  • Mga kalmot. Ang matinding pangangati sa balat ay madalas humantong sa pagkakaroon ng mga kalmot dahil sa matinding pagkakamot.
  • Paglala ng mga naunang sakit sa balat. Kung mayroon nang ibang kondisyon sa balat na naunang nakaaapekto, hindi malayong lumala pa ito ng husto dahil sa pananalasa ng mga maliliit na kuto.

Ang mga sintomas na nabanggit ay kadalasang mararamdaman 2 hanggang 6 na linggo mula nang mahawa. Ang pangangati at pagbubutlig sa balat ay dulot ng allergic reaction ng tao sa kagat, laway, o dumi ng mga kuto.

Kailan dapat magpatingin sa doktor?

Sa oras na maranasan ang mga sintomas na nabanggit, agad na magtungo sa pagamutan, partikular sa isang dermatitis na espesyalista sa balat. Mahalaga na magamot agad ang kondisyong ito upang hindi na kumalat pa sa ibang tao.