Ang sakit na GERD ay maaaring magdulot ng mga sumusunod na senyales at sintomas:
- mainit na pakiramdam sa itaas na bahagi ng sikmura paakyat sa dibdib (heartburn).
- pananakit ng dibdib
- hirap sa paglunok
- makapit na ubo (dry cough)
- sore throat
- acid reflux
- pakiramdam na may bukol sa lalamunan
Minsan pa, ang malulubhang kaso ng GERD ay maaari ding magdulot ng pagsusuka na minsan ay may kasama pang dugo kung ito ay nagdulot na din ng ulcer sa esophagus.
Kailan dapat magpatingin sa doktor?
Makabubuting magpatingin na sa doktor kung o sa isang gastroenterologist, ang espesiyalista para sa mga karamdaman sa daluyan ng pagkain, kung makararanas ng mga nabanggit na sintomas. Lalong kailangan magpatingin kung ang mga sintomas ay napapadalas at hindi na naiibsan ng mga iniinom na gamot.