Ang mga sintomas ng hepatitis A ay kadalasang nararanasan makalipas ang ilang linggo matapos ang impeksyon. Ang mga kadalasang nararanasan ay ang sumusunod:
- Pagkapagod
- Pagsusuko at pagliliyo
- Pananakit ng sikmura, lalo na sa itaas na kanang bahag kung nasaan ang atay.
- Mamula-mulang kulay ng dumi
- Kawalan ng gana sa pagkain
- Pananakit ng mga kasu-kasuan
- Madilim na kulay ng ihi
- Paninilaw ng balat at mata o jaundice
Minsan ang mga sintomas na ito ay may kasabay na lagnat na tumatagal ng isang linggo o higit pa, at minsan rin, walang kahit na anong sintomas ang mararanasan.
Kailan dapat magpatingin sa doktor?
Agad na magpasuri sa doktor kung nakakaranas ng alinman sa mga nabanggit na sintomas ng Hepatitis A. Kung agad na mabibigyan ng bakuna sa loob lang ng dalawang linggo mula sa pagkakahawa ng hepatitis A virus, maaari pang maagapan ang paglala ng sakit.