Ang mga sintomas sa pagkakaroon ng impatso ay sumusunod:
- Mabigat na pakiramdam sa tiyan
- Mahangin na tiyan o kabag
- Pakiramdam ng pagsusuka o nausea
- Pangangasim ng tiyan
- Kumakalam na sikmura
- Pananakit ng tiyan
Sinasabing ang mga sintomas na ito ay mas matindi sa panahong ang indibidwal ay nakakaranas ng matinding stress. Kung minsan, nakakaranas din ng heartburn o pananakit sa itaas na bahagi ng tiyan, bagaman ito ay konektado sa acids na kumakawala sa tiyan patungong esophagus.
Kailan kinakailangang magpatingin sa doktor?
Dahil ang impatso ay maaaring senyales ng pagkakaroon ng ibang sakit, kinakailangan magpatingin agad sa doktur kung nakakaranas din ng pagsusuka na may dugo, biglaang pangangayayat, kawalan ng gana sa pagkain, mas matinding pananakit ng tiyan, maitim at may dugo sa dumi.