Ang mga sintomas ng impeksyon ng rabies ay maaaring mapansin sa hayop at sa taong nakagat. Sa hayop na apektado ng rabies virus, halimbawa ay sa alagang aso, maaaring ito ay makitaan ng sumusunod na senyales:
- Paglalaway
- Bumubulang bibig
- Pagkaparalisa
- Kakaibang pagkilos na dati-rati’y hindi naman.
- Maaaring mas matapang ang alagang hayop, o kaya’y madaling matakot
Para naman sa taong apektado ng rabies virus, siya ay maaaring makaranas ng sumusunod na sintomas:
- Lagnat
- Sakit ng ulo
- Pakiramdam na nasusuka
- Pagsusuka
- Pagkalito
- Pagkabalisa
- Di mapakali
- Hirap sa paglunok
- Paglalaway
- Takot sa tubig, o hydrophobia
- Insomnia o hindi makatulog
- Bahagyang pagkaparalisa
- Panginginig
Kailan dapat magpatingin sa doktor?
Sa unang pagkakataon pa lang ng pagkakakagat ng hayop, agad nang magtungo sa doktor at humingi ng kinakailangang lunas. Ang sakit na dulot ng impeksyon ng rabies ay nakamamatay at di dapat ipagsawalang bahal.