Ano ang mga sintomas ng ketong?

Ang mga bahagi ng katawan na pangunahing naaapektohan ng ketong ay ang balat at mga nerves na nasa labas ng utak at spinal cord. Kaya naman ang mga sintomas na mararanasan sa pagkakasakit nito ay makikita sa mga bahaging ito. Narito ang listahan ng mga sintomas ng nakaaapekto sa balat:

Image Source: www.globalcitizen.org

  • Pagbabago sa anyo ng balat tulad ng bukol-bukol, pamamanas, pag-umbok, at pangungulubot.
  • Ang pagbabago sa anyo ng balat ay maaaring lumulubha at nanatili sa nang ilang linggo o ilang buwan.
  • Ang pagbabago sa anyo ng balat ay may maputlang kulay.

Ang mga sintomas naman na nakaaapekto sa mga nerve ay ang sumusunod:

  • Kawalan ng pakiramdam sa mga braso, kamay, hita’t binti, at mga paa.
  • Panghihina ng mga kalamnan.

Dahil sa mabagal na progreso ng impeksyon ng sakit na ito, ang mga sintomas na kaugnay ng sakit na ketong ay maaari lamang maranasan makalipas ang 3 hanggang 5 taon mula sa pagkakahawa sa sakit. Minsan pa, umaabot ng 20 na taon bago magsimulang makita o mapansin ang mga sintomas ng sakit. Ang ganito kahabang incubation period ng bacteriang nagdudulot ng ketong ang dahilan kung bakit nahihirapan ang mga doktor at dalubhasa na tukuyin kung saan at kailan nakuha ang sakit.

Totoo bang maaaring magdulot ng pagkaputol ng mga daliri ang ketong?

Hindi ito totoo. Ang kakayahan ng sakit na atakihin ang mga nerve sa mga braso at mga paa ay nagdudulot ng pagkamanhid sa mga bahaging ito. Dahil sa kawalan ng pakiramdam maaaring mapinsala ang mga bahaging ito, kabilang na ang mga daliri, nang hindi namamalayan. Ang paulit-ulit na ganitong kaganapan ang madalas na sanhi ng pagkaputol ng mga bahagi ng katawan.

Kailan dapat magpatingin sa doktor?

Dahil sa haba ng panahon ng incubation period ng sakit na ito, kadalasang maaari lamang makapagpatingin sa doktor sa oras na lumabas na at maranasan na ang mga sintomas ng ketong. Sa panahon pa lamang na ito kadalsang nakapagpapatingin ang mga taong may sakit na ketong. Sa oras na magkaroon ng mga hindi maipaliwanag na pagbabago sa anyo ng balat o kaya ay pagkawala ng pakiramdam sa ilang bahagi ng katawan, makabubuting magpatingin na sa doktor.