Gaya rin ng ibang uri ng kanser, hindi agad nagpapakita ng sintomas sa mga unang antas ng lung cancer. Kaya naman sa karamihan ng kasong ito, nasusuri lamang ang sakit kung ito ay nasa stage 3 na o yung malalang antas ng sakit.
Ang malalang kaso ng lung cancer ay may sintomas na:
- Hindi maalis-alis at pabalik-balik na ubo na kung minsan ay may kasamang dugo.
- Pagkakaroon ng iba pang sakit sa baga tulad ng bronchitis at pulmonya.
- Hirap sa pag-hinga at pananakit ng dibdib.
- Pamamaga ng leeg at mukha
- Panghihina at pananakit ng balikat at mga kamay
- Madaling mapagod at pangihihina ng katawan
- Kawalan ng gana sa pagkain at mabilis na pangangayayat.