Ang pagkakaranas sa mga sintomas ng sakit na Mad Cow Disease sa tao o variant Creutzfeldt-Jakob disease ay nahahati sa tatlong mga antas o stage. Tumatagal ng 10-30 na taon bago magsimulang maranasan ang mga sumusunod na sintomas ng sakit:
Stage I – Initial Stage
- Hirap sa pagtulog o insomnia
- Depresyon
- Pagkalito
- Pagbabago sa paguugali
- Hirap sa pagmememorya
- Madaling pagkakalimot
Stage II – Stage of Progression
- Mabilis na pagkawala ng mga alaala, o pagiging makakalimutin
- Biglaan o hindi makontrol na paninigas ng katawan
- Panlalabo ng paningin
- Panghihina ng mga kalamnan
- Hirap sa pagsasalita
Stage III – Final Stage
- Kawalan ng kakayahang mag-isip
- Hindi na makakilos
- Comatose
- Pagkaparalisa
- Kamatayan
Kailan dapat magpatingin sa doktor?
Mabuting magpatingin na kaagad sa oras na makitaan ng mga sintomas at senyales ng sakit. Maaaring mabigyan ng gamot o isailalim sa ilang mga therapy para mapabagal ang epekto ng sakit sa utak.