Ano ang mga sintomas ng myoma sa matris?

Maraming kaso ng myoma sa matris na walang sintomas, ang kung ganito ang kaso, pwedeng hayaan na lang ito. Subalit ang myoma ang sanhi rin ng ilang nakakasagabal na sintomas, at dahil ito, ito’y isa sa mga karaniwang karamdaman na nakikita ng mga OB-GYN.

Mga sintomas ng myoma sa matris

  • Pagbabago sa monthly period, kagaya ng dinudugo ng mas grabe, o kaya mas habang period, imbes na 3-4 na araw, tumatagal ng isang linggo o higit pa
  • Masakit o makirot na pakiramdam sa bandang puson o pantog, o di kaya sa balakang o hita
  • Mga pagbabago sa pag-ihi, kagaya ng mas madalas na pag-ihi, mahapding pag-ihi, parang hirap ilabas ang ihi, o parang binabalisawsaw
  • Mga pagbabago sa pagdumi, partikular ang pagtitibi
  • May masakit o makirot habang nakikipag-sex

Anong mga sintomas ay dapat ikonsulta sa doktor?

Alin man sa ating mga nabanggit, kung nakakasagabal sa’yo at hindi mawala-wala, ay maaaring ipatingin sa doktor. Ang mga sumusunod ay dapat din bigyang-pansin at kaagad ipatingin:

  • Pagdudugo bukod sa mga monthly period
  • Hirap na dumumi o umihi
  • Biglaang paglala ng anuman sa mga sintomas na ating nabanggit