Ano ang mga sintomas ng pagiging anak-araw?

Ang mga sintomas ng pagiging anak-araw ay madaling nakikita sa kulay ng balat, buhok at mata, ngunit maaari din namang ang mga senyales na ito ay hindi lumitaw. Gayunpaman, tiyak na nakararanas ng problema sa paningin ang taong anak-araw. Narito ang listahan ng mga sintomas ng pagiging anak-araw:

  • Sobrang maputi na balat
  • Mga pekas sa balat
  • Mga nunal na maputla ang kulay
  • Blonde o maputing buhok sa buong katawan gaya ng ulo, kilay at pilik-mata at iba pa.
  • Maputlang asul o brown na kulay ng mata
  • Pagiging malabo ng paningin
  • Sensitibo sa liwanag

Kailan dapat magpatingin sa doktor?

Mula pa lamang sa pagkakapanganak ng sanggol na mayroong mga sintomas ng pagiging anak-araw, dapat nang maipatingin kaagad sa doktor ang sanggol upang maliwanagan sa mga posibleng kondisyon na maranasan gaya ng pagkakaroon ng diperensya sa paningin. Dapat ding magpatingin kung nakararanas ng pagdurugo ng ilong at madaling pagkakaroon ng pasa sapagkat maaaring ito ay isang uri din ng pambihirang sakit genetiko, na kung tawagin ay Hermansky-Pudlak o kaya naman Chediak-Higashi syndrome.