Ano ang mga sintomas ng pagtatae o diarrhea?

Ang mga sintomas ng pagkakaroon ng diarrhea ay nakadepende sa kung ano ang sanhi nito. Ngunit ang mga pangunahing sintomas na mararanasan ay ang mga sumusunod:

  • Pakiramdam na parating natatae
  • Mabigay at mahangin na tiyan
  • Matubig na pagtatae
  • Pagsusuka

Para sa mga karaniwang at hndi komplikadong kaso ng pagtatae, ang sintomas ay tumatagal lamang 1 hanggang 3 araw o hanggang sa mailabas sa dumi o magamot ang sanhi ng pagtatae. Ngunit para sa mga seryoso at komplikadong kaso ng diarrhea, ang mga sintomas na nabanggit ay maaaring may kaakibat na iba pang sintomas. Ito ay ang sumusunod:

  • Maitim o may kasamang dugo ang matubig na tae.
  • Madulas at parang may sipon
  • Hindi natunaw na pagkain
  • Lagnat
  • Kabawasan ng timbang

Kailan dapat magpatingin sa doktor?

Nararapat lang na magpatingin sa doktor kung ang nararanasang pagtatae ay masmatagal kaysa normal o kaya nama’y nararanasan ang mga komplikadong sintomas ng pagtatae gaya ng pagkakaroon pagdurugo sa dumi, may kasabay na lagnat at pagsusuka. Dapat ding magpatingin kung hindi nadadala sa mga iniinom na gamot. Ang patuloy na pagtatae ay kailangang maagapan upang hindi ito humantong sa kawalan ng electrolytes o tubig sa katawan (dehydration). Kung mapapabayaan, maari itong magdulot ng panghihina ng katawan o kaya ay kamatayan.