Ang mismong pananakit ng likod ay maituturing na sintomas ng ibang kondisyon sa katawan. Maaaring karamdaman na konektado sa buto sa likod, karamdaman sa mga kalamnan o kaya ay karamdaman sa mga nerves na konektado sa buto at kalamnan sa likod na bahagi ng katawan. Ang mga kadalasang nararanasan sa pagsakit ng likod ay ang sumusunod:
- Pananakit ng likod mula sa patagal na pagkakaupo
- Pasmadong kalamnan sa likod
- Stiff neck
- Pananakit ng likod dahil sa simpleng paglalakad o pagkilos
- Pananakit ng likod kasabay ng pananakit ng hita
- Pamamanhid ng kalamnan sa likod
- Iritableng pakiramdam sa likod
- Hindi mahanap ang kumportableng posisyon ng likod
- Pananakit ng likod sa paggising sa umaga
- Hirap sa pagtulog
- Depresyon at pagkabalisa
Kailan dapat magpatingin sa doktor?
Kung ang pananakit ay nakaaapekto na sa pang-araw-araw na gawain, tumitindi ang kirot, o tumatagal na hindi nawawala kahit mabigyan ng paunang lunas, makabubuting ipatingin na ito sa doktor. Humingi ng payo kung paano maiibsan ang nararamdamang sakit. Kumunsulta agad sa duktor kung:
- Ang sakit ay umabot na hanggang hita pababa sa inyong mga binti
- May pamamanhid ng hita, paa, bahagi ng ari at puwitan
- May pagkawala ng control sa pagdumi at pag-ihi
- Ang pananakit ay dulot ng aksidente
- Di na makakilos ng mabuti sa sobrang pananakit
- Di gumiginhawa pagkatapos ng 2-3 linggo
- May kaakibat na pananakit ng dibdib
- Biglaang panghihina ng hita, paa at binti