Ano ang mga sintomas ng pigsa o boils?

Ano ang mga sintomas ng pigsa?

Gaya ng inisaad sa naunang talata, ang pigsa ay naguumpisa na isang mapula, matigas at maliit na bukol sa balat. Paglipas ng ilang araw, ito’y lalalaki. magiging mas malambot, at magbababago ang kulay mula pula hanggang maputi o manilawnilaw. Maari ring “manganak” ang pigsa o magkaroon pa ng ibang pigsa na malapit sa orihinal na pigsa. Maaaring magkaroon ng lagnat at mga kulane (lymph nodes) – senyales ito na may impeksyon na nagaganap.

Makalipas ang ilang araw pa ay puputok ang pigsa at lalabas ang nana. Sa maraming mga kaso, ito na ang katapusan ng pigsa. Subalit sa ilang mga kaso, nagkakaroon ng iba pang mga pigsa, o palaki ng palaki ng orihinal na pigsa at hindi ito pumuputok at hindi lumalabas ang nana. Ang ganitong mga kaso ay nangangailangan ng konsultasyon sa doktor – maaaring malakas na uri ng bacteria ang sanhi ng impeksyon; o may underlying disease o ibang kondisyon sa katawan na nagpapalala sa pigsa.