Ang ilan sa mga sintomas ng rayuma ay ang sumusunod:
- Pananakit ng mga kasu-kasuan
- Pamamaga ng mga kasu-kasuan
- Paninigas ng mga kasu-kasuan, lalo na sa paggising sa umaga o sa tuwing mauupo ng mataagal na panahon.
- Hirap sa pag-unat ng mga kasu-kasuan
- Madaling kapaguran
Iba-iba ang sintomas ng rayuma na maaaring maramdaman ng bawat indibidwal. Maaring ang iba’y makaranas ng pananakit at pamamaga sa mahabang panahon at ang iba nama’y patigil-tigil na pananakit.