Gaya ng maraming kondisyon, sa umpisa ng sakit ng bato ay maaaring wala itong sintomas at sa laboratoryo lamang makita ang diprensya. Subalit kapag ito ay naging mas malala, maaaring magkaron ng mga sintomas gaya ng:
- Pagbabawas ng timbang o pamamayat
- Pamamanas sa paa at kamay
- Hapo o hirap sa paghinga
- Pagbabago sa kulay at lapot ng ihi
- Balisawsaw, ihi ng ihi lalo na sa gain
- Pangangati
- Pamumulikat ng madalas
- Para sa mga lalaki, hirap patigasin ang ari (erectile dysfunction)
Muli, hindi lahat ng mga sintomas na ito ay maaaring maranasan ng taong may sakit sa bato, at ang pagkakaron ng mga iba ay hindi rin nangangahulugan ng pagkakaron ng sakit sa bato. Magpatingin sa doktor para masuri ang iyong kondisyon kung nararamdaman mo ang anuman sa mga ito.