Ano ang mga sintomas ng Singaw o Mouth Sores

Ang mga kadalasang nararamdaman sa pagkakaroon ng singaw ay hapdi o mananakit ng bahagi ng bibig na apektado ng singaw. Nagtatagal ito ng 5 hanggang 10 araw hanggang sa ito ay gumaling. Makikitaan din ng maputing batik sa bahagi ng singaw. Ang pagkakaroon ng singaw ay kadalasang hindi na nangangailangan ng ekspertong pagsusuri sapagkat madali lamang itong matukoy sa pamamagitan ng mga sintomas na nabanggit.

Kailan kinakailangang magpatingin sa doktor?

Maaaring magpasuri sa doktor kung nararanasang ang sumusunod:

  • Kung ang pagkakaroon ng singaw ay lumitaw lamang matapos ang pag-inom ng gamot.
  • Kung ang singaw ay lumalaki at kumakalat sa ibang bahagi ng bibig.
  • Kung ang singaw ay nagpapabalik-balik
  • Kung ang singaw ay nagtagal ng lampas sa 2 linggo.
  • Kung ang singaw ay may kaakibat na lagnat, hirap sa paglunok, paglalaway at mga pantal sa balat.