Mapulang Mata
Ang pamumula ng mata ang pinakaunang mapapansin sa pagkakaroon ng sore eyes. Bagama’t naka-iirita at maaaring magdulot ng di kumportableng pakiramdam, kadalasa’y wala naman itong seryosong komplikasyon at hindi naman nakaaapekto sa paningin.
Matinding Pagluluha at Pagmumuta ng Mata
Ang pagluluha at matinding pagmumuta ay dulot ng impeksyon ng virus sa mata.
Pangangati at mahapding pakiramdam ng mata
Ang matinding pangangati at paghapdi ng mata ay karaniwan sa sakit na sore eyes. Ito rin ang dahilan kung bakit madaling kumakalat ang virus. Kapag kinamot ang mata at humawak sa mga bagay, maaaring maikalat ang virus.
Kailan dapat magpatingin sa doktor kung may sore eyes?
Magpakonsulta sa doktor na spesyalista sa mata (ophthalmologist) kung may nana sa mata, kung lumalabo ang paningin, at kung higit na sa isang linggo at hindi parin nawawala ang mga sintomas ng sore eyes.