Kadalasan, ang tagihawat ay makikitang tumutubo sa bahagi ng mukha, leeg, balikat, dibdib at likod. At kung mapapabayaan, ang pamamayagpag ng tagihawat ay maaring lumalawak at magtagal ng isang buwan, at kung minsan ay isang taon. Sa mga malalalang kaso naman, maaring magdulot ng malalim na sugat at mag-iwan ng peklat sa balat. Kaakibat nito, maaaring bumababa ang kumpyansa sa sarili at magdulot din ng depression.