Ano ang mga sintomas sa pagkakaroon ng Kuto sa Ulo?

Ang taong mayroong kuto sa ulo ay maaaring makaranas ng mga sumusunod:

  • Matinding pangangati ng ulo
  • Pakiramdam na tila may gumagapang sa ulo
  • Pagsusugat ng anit, dahil sa pagkamot
  • Impeksyon sa mga sugat sa anit

Kailan kinakailangang magpatingin sa doktor?

Kung ang pagsusugat sa ulo na sanhi ng madalas na pagkakamot ay lumalala o kaya ay nagsimula nang maimpeksyon, makabubuting ipasuri sa doktor upang agad na mabigyan ng lunas. Makatutulong din ang konsultasyon sa doktor kung hindi sigurado sa kung ano ang dapat gawin sa matinding pananalasa ng mga kuto sa ulo.