Q: anu anu po ba ang nararamdamn ng isang high blood patient?
A: Sa madaling salita, gusto mong malaman kung ano-ano ang sintomas ng hypertension o high blood. Uunahin ko ang mahalagang sabihin: maaaring wala. Oo, hindi ibig-sabihin na high blood ay may sintomas. Maraming beses, wala kang mararamdaman, high blood ka na pala. Kaya nga kailangang ma-monitor ng BP apparatus o pangkuha ng BP ang isang pasyente na ‘high blood‘
KSubalit ang ibang mga pasyente naman ay may nararamdaman rin. Kabilang dito ay sakit ng ulo o batok tuwing tumataas ang BP. Pwede ring makaramdam ng pagod at hilo. Kung apektado ang puso, pwede ring makaramdan ng kabigatan sa dibdib.
Dahil maraming sintomas ang high blood, at maaari ring wala, dapat masuri ang sino mang may-high blood upang makita ang ebidensya ng high blood hindi lamang sa sintomas, kundi pati sa mismong pag-sukat ng ‘blood presssure’ at iba pang mga laboratoryo. Marami namang pwedeng gawin upang mapigilan ang paglala ng high blood, at kabilang dito ang pag-iwas sa matataba at maaalat na pagkain, at ang pag-eehersisyo ng regular.