Ang mga pagsusuri sa pananakit ng bayag ay nakadepende sa hinala ng doktor kung ano ba ang sanhi nito. Sa maraming kaso, ang eksaminasyong pisikal sa gagawin ng doktor ay sapat na upang magkaron ng diagnosis, subalit minsan ay kailangan ng mga espesyal na eksaminasyon. Mga halimbawa:
- Ultrasound. Hindi lamang babae na inuultrasound! Maging ang mga kondisyon sa tiyan, bituka, at maging sa bayag ay maaaring masilip sa pamamagitan ng ultrasound.
- Urinalysis o pagsusuri ng ihi. Kung may impeksyon sa ihi o UTI, ito’y maaaring makita sa urinalysis.
- Complete blood count o blood test: Kung impeksyon ay hinihinala, ang mga ‘white blood cells’ ay magiging mataas.
- Iba pang eksaminasyon, depende sa diagnosis.