Layunin ng Prenatal Care
Ang layunin ng ‘Prenatal care’ ay masigurado ang lahat ng pagbubuntis ay tutuloy sa wasto at malusog na sanggol na walang idudulot na sakit o kumplikasyon sa kalusugan ng kanyang ina.
Ang unang konsepto ng ‘Prenatal Care’ ay sa pamamagitan nang pakikipagtulungan ng mga sektor pangkalusugan tulad ng mga doktor at nurses upang makabuo ng isang programa ukol sa maganda at malusog na pagbubuntis. Dahil dito napababa ang pagkamatay nang mga sanggol dulot nang komplikasyon sa pagbubuntis sa ika-apat na pung porsiyento. Kaya, ito ay nagdulot nang pagtaas nang kaisipan ng magiging ina na mag-pakonsulta sa unang trimester nang kanilang pag-bubuntis. Sumunod na kanilang ginawa ang pagbibigay nang serbisyo sa mga liblib na pook upang maipataas ang kamalayang dulot nang wasto at sapat na kaalaman para maihinto ang mga di-magandang mangyayari sa kanilang pagbubuntis.
Ang ‘Prenatal care’ ay isang uri nang gabay pang-kalusugan para sa magiging ina at anak nito.
- Kumuha nang maagang ‘prenatal care’ kung ikaw ay nagdadalang tao. Pwede kang kumuha nang serbisyo nang isang pribadong doktor o sa isang ‘health care center’ sa barangay.
- Ang iyong doktor o isang baranggay ‘health clinic’ ay gagawa na iskedyul nang iyong pagbisita sa kanila. Gawing pirmihan ito para ma-pangalagaan ang inyong kalusugan at magiging anak.
Bakit kailangan ang palagiang prenatal care?
Image Source: www.freepik.com
Ang pagkakaroon nang palagiang ‘Prenatal care’ ay makakatulong sa pag-papanatili nang inyong matiwasay na pagbubuntis. Batay sa mga pag-aaral ang mga ina na di-naka ‘prenatal care’ ay tatlong beses na mababa ang magiging timbang nang sanggol at limang beses na pwedeng ikamatay nang isang ina.
Ang mga nangangalaga nang inyong kalusugan at sanggol ay madali at maaagapan nila agad ang magiging suliranin sa inyong pagbubuntis kung ang mga nag-dadalang tao ay regular na kumukonsulta sa kanilang mga mang-gagamot.
Ano ang mga salik ng prenatal care?
- Sistematikong pagsusuri nang mga ‘risks’ sa pamamagitan nang ‘reproductive, family, medical, nutritional, drug exposure at iba pang mga isyu pang-kalusugan.
- Pagbibigay nang mga edukasyong pang-kalusugan. Edukasyon sa mga ‘Risks factors’ ang mga sanhi nang ‘Preterm labor’, ‘intra-uterine growth restriction’, diabetes, hypertension, at impeksiyon
- Pagbibigay kaalaman sa mga masamang epekto nang isyung medikal
- Pagtalakay sa mga ‘genetic problem’ o ‘newborn screening’
- Ang pag-papabakuna laban sa rubella at mga impeksiyon.
- Ang pag-susuri at pag-rekomenda nang angkop na timbang para sa taas.
- Pag-talakay sa mga isyong sosyal, pinansyal at sikolohikal ukol sa pag-bubuntis.
- Pag-talakay tungkol sa tamang agwat nang mga anak
- Pagbibigay importansiya sa maaga at tuloy-tuloy na ‘Prenatal Care’
- Pag-rekomenda sa pag-tukoy at pag-alam nang buwanang dalaw.