Ano ang sintomas ng bulok na ngipin o tooth decay?

Ang bulok na ngipin o tooth decay ay maaaring walang sintomas, ngunit pag ito’y hinayaang magtagal ay pwedeng magkaron ng mga pagbabago sa anyo ng apektadong ngipin, gaya ng pag-iiba ng kulay, o kaya pagkakaron ng bahagi ng ngipin na parang tsok ang itsura.

Pag nagtagal pa, sakit o kirot sa ngipin ang pangunahing sintomas. Ang kirot na ito ay inilalarawan ng iba ng “nakakangilo”, at pwedeng lumala o sumpungin kapag ikaw ay kumakain ng mga malalamig na pagkain gaya ng ice cream, o kapag umiinom ng malamig na inumin, o di kaya kapag kumakain ng mga matatamis. Isa pang posibleng sintomas ay ang pagkakaroon ng bad breath o mabahong hininga.