Ano ang sintomas ng pulmonya o pneumonia?

Ang mga sintomas ng pulmonya o pneumonia ay ang mga sumusunod:

    • Ubo na may plema
    • Lagnat na maaaring may kasamang panginginig
    • Hapo o hirap sa paghinga
    • Mabilis na paghinga
    • Sakit ng ulo
    • Pananakit ng tiyan
    • Pananakit ng mga kasu-kasuan

Anong kulay ng plema kung may pulmonya?

Ang plema sa pulymonya ay maaaring dilaw, berde, at minsan pwedeng may kasamang dugo. Ngunit hindi lahat ng plema na kulay dilaw o green ay pulmonya. Maaari din itong idulot ng mga upper respiratory tract infection na kusang nawawala. Ang pagkakaron naman ng plemang may kasamang dugo ay maaari ding sintomas ng tuberculosis o TB.

Ano namang sintomas pulmonya sa mga bata?

Ang sintomas ng pulmonya sa bata ay katulad din ng mga sintomas sa matatanda, subalit para sa maraming mga bata mas matindi ang lagnat. Yung iba nga, lalo na sa mga sanggol, maaaring lagnat lamang ang kanilang sintomas. Isa pang dapat bantayan sa mga bata ang pagkakaron ng mabilis na paghinga dahil ito ay isa ring senyales ng pagkakaron ng pulmonya.