Ano dapat gawin sa paa na pinutol dahil sa diabetes?

Q: Ano dapat gawin sa paa na pinutol dahil sa diabetes?

A: Diabetic foot ang tawag sa paa na pinutol dahil sa diabetes. Ito ang resulta ng hindi makontrolang antas ng asukal sa katawan na siyang nakasira na sa iba’t ibang bahagi ng katawan gaya ng mga paa, kamay, mata, bato, at marami pang iba.

Ang pinakamahalagang dapat gawin kung naputulan na ang isang pasyente ng paa dahil sa diabetes, ay tiyakin na kontrolado ang diabetes nya, at anumang ‘maintenance’ na gamot gaya ng insulin ay striktong nasusunod. Bakit ito mahalaga? Sapagkat, dahil malala na ang sakit na diabetes, maaaring maka-apekto rin ito sa isa pang paa; kawawa naman kung ito’y mapuputol rin. Karaniwan rin ang pagkabulag sa mga may diabetes, at marami pang iba.

Heto pa ang ilang payo upang maagapan ang mga paa na natitira:

  • Huwag galawin ang mga kalyo, kulugo, at iba pang mga sugat sa paa; hayaang ang gumawa nito ay ang doktor mo upang hindi magkaron ng komplikasyon.
  • Tiyakin na palaging maayos ang gupit ng mga kuko.
  • Iwasang mag-yosi, sapagkat ito’y nakakabagal ng pag-ikot ng dugo sa katawan.
  • Iwasan ang mga mahigpit na medyas at sapatos.
  • Mag-ehersisyo nang regular, subalit huwag hayaang masugatan ang paa. Kung masugatan, ito’y agapan at huwag baliwalain.
  • Regular na magpatingin sa iyong doktor tungkol dito.
  • Tungkol naman sa paang pinutol, makipag-ugayan rin sa iyong doktor, at mga eksperto sa ‘rehabilitation’, kung paano magagawa ang mga aktibidades ng pang-araw-araw na buhay gaya ng paglalakad gamit ang saklay, wheelchair, at iba pa./p>Bilang panghuling salita, nais ko ring idagdag na mahalaga ang katungkulan ng mga kamag-anak at nagmamahal sa mga pasyenteng naputulan na ng paa dahil sa dibates: ang inyong suportang pisikal at emosyonal at napa-halaga as buhay nila, kaya’t sana ituloy ninyo ang pag-suporta.