Sapagkat siya’y isang dating pangulo at bagamat ngayo’y nasa ilalim ng “hospital arrest”, ang kalusugan ni Gloria Macapagal-Arroyo ay isang bagay na sinusubaybayan ng publiko. Marami ang nagtatanong: Ano nga bang ang sakit (o mga sakit) ni GMA?
Ang kaalaman natin ay batay lamang sa mga press release mula sa mga doktor ni GMA at ating tinatanggap ang kanilang mga pahayag ng buong tiwala (ang artikulong ito ay hindi kumakampi sa anumang polikital na panig; hindi nito sasagutin kung totoo bang may sakit si GMA).
Una, si GMA ay iniulat na may cervical spondylosis. Ano ang cervical spondylosis? Ito ay isang sakit sa mga buto o gulugod sa leeg (i.e. cervical spine). Dahil sa pamamaga o implamasyon sa mga buto, maaaring madamay o maipit ang mga ugat na tinatawag na “spinal cord”. Ito ang nagdudulot ng sakit, at maaaring magdulot ng mga komplikasyon gaya ng pagka-paralisa at kahirapang huminga – at maging kamatayan.
Image Source: orthosportandspine.com
Ang cervical spondylosis ay maaaring nasa lahi at hatid ng pagtanda, stress o anumang mabigat na emosyon o hirap sa trabho, o kombinasyon ng alin man sa mga ito. Ang mga sintomas ay pananakit ng leeg, ‘stiff neck‘, panghihina ng mga kamay o paa, at sakit ulo. Sa mga banayad na kaso ay simpleng pain reliever lang ang solusyon.
Sa mga grabeng kaso ng cervical spondylosis, operasyon ay tanging solusyon at ito ang dahilan kung bakit si GMA ay sumailalim sa mga operasyon, kung saan naglagay ng mga ‘titanium plates’ upang suportahan ang kanyang mga cervical spine.
Bakit kailangang magsuot ni GMA ng ‘neck brace’? Ito’y upang hindi gumalaw ang kanyang leeg at para makapahinga ang mga muscle sa leeg, at hindi na lalo lang mamaga o lumala ang cervical spondylosis, lalo na kung sumailalim ito ng operasyon.
Ang pangalwang nabanggit na sakit ni GMA ay hypoparathyrodism o kakulangan ng isang natural na hormone sa katawan, na tinatawag na parathyroid hormone. Ang hormone na ito ay nagpapanatiling matibay ang mga buto, at kung kulangin, maaaring maging mahuna ang mga buto. Ayon sa mga doktor ni GMA, ang hypothyroidism ay maaaring naging sanhi rin ng mga problema sa buto ni GMA.
Magkaugnay ang dalawang sakit na ito (cervical spondylosis at hypoparathyroidism), at maaaring tawanging “metabolic bone disorder” – isang bansag rin sa sakit ni GMA na madalas lumabas sa mga balita.
Endocrinologist ang tawag sa mga doktor na bihasa sa paggagamot ng mga kaso ng hypoparathyroidism at iba’t ibang mga hormone o mga keminal na natural na ginagawa ng ating katawan. Spine surgeon (isang uri ng orthopedic surgeon) naman ang tawag sa mga doktor na bihasa sa pag-oopera ng ating spine. May mga endocrinologist at spine surgeon sa Pilipinas. Hindi saklaw ng artikulong ito ay pagbibigay ng pahayag kung karapat-dapat bang magpagamot si GMA sa ibang bansa; ito’y nararapat sagutin ng huwes. Isa pa, bawat pasyente ay may sariling pangangailangan (at kagustuhan). Ngunit maaari nating sabihin, na kung ang pag-uusapan lang ay “cervical spondylosis” at “hypoparathyroidism”, oo, may mga spesyalista dito sa Pilipinas na kayang gamutin ay mga kondisyong ito.