Q: Doc ano po ba mabisang paraan o gamot para maalis ang pagpapawis mabahong amoy sa paa kahit nakasapatos or nakatsinelas ako still nagpapawis paa ko at bumabaho?
A: Dalawa ang pangunahing dahilan kung bakit namamaho o nangangamoy ang paa. Isa ay ang fungus, na nagdudulot sa alipunga, at ang pangalwa ay ang pagiging basa, marumi, o kombinayson ng dalawang ito, ng paa. Heto ang mga hakbang na pwede mong gawin upang mawala ang amoy sa paa:
- Inspeksyunin ang iyong paa kung may mga butlig-butlig at crack sa gitna ng mga paa. Dito tumutubo ang mga fungus. Maaari kang bumili ng over-the-counter na anti-fungal cream gaya ng Ketaconazole, Terbinafine, at iba at ipahid ito sa mga butlig-butlig at sugat-sugat araw-araw hanggang ito’y mawala.
- Siguraduhing tuyo ang paa; tuyuin itong mabuti pagkatapos maligo bago magsuot ng medyas.
- Kailangang ‘makahinga’ ng mga paa; kung pwedeng mag-sandals, mag-sandals na lamang. Kung pwedeng magsuot ng mas maaliwasas na medyas o sapatos, ito na lamang ang isuot.
- Kung talagang nananatiling pawisan ang paa sa loob, lalo na pagkatapos ng maghapong trabaho, magpunas ng foot powder sa magkabilang paa.
- Linisan ang paa dalawang beses sa isang araw, bago pumasok at pagkatapos pumaspok. Sabuning mabuti pati ang mga gilid-gilid ng mga daliri sa paa, at magkuko ng maayos.
- Kung hindi parin nawawala ang amoy, pwede kang magpatingin sa dermatologist, podiatrist, o iba pang doktor upang mabigyan ng dagdag na payo para sa problemang ito.