Anong sintomas ng katarata o cataract?

Mga sintomas ng katarata o cataract

Ang pangunahing sintomas ng katarata ay panlalabo ng mata (blurring of vision) na hindi nagbabago sa buong araw. Ito’y isang progresibong proseso na maaaring tumagal ng ilang taon at sa umpisa ay maaaring hindi mapansin ang panlalabo. Bukod dito, narito pa ang ilang sintomas na maaaring maranasan ng taong may katarata:

    • Madaling masilaw sa maliliwanag na ilaw
    • Nagdododble ang paningin
    • Sumasakit ang mata lalo na kapag pagabi na
    • Pagbabago sa mga kulay sa paningin
    • Hirap makakita sa gabi o kung madilim ang palibot

Kailan dapat magpatingin sa doktor?

Alin man sa mga sintomas na ito ay magandang ipakita sa isang ophthalmologist upang malaman kung may katarata ba ang mata. Maaari rin namang malabo lamang ang mata at nangangalilangan lamang na magsuot ng mga salamin.