Ang cardiologist, o spesyalista sa puso, ay may ilang instrumentong ginagamit at pagsusuring isinasagawa upang malaman kung mayroong atake sa puso. Ito ay ang sumusunod:
- ECG o Electrocardiogram. Binabasa nito ang lawak ng pinsala sa kalamnan ng puso at kung saan mismo ito naganap.
- Blood tests. May pagsusuring isinasagawa sa dugo kung saan minomonitor ang mga lebel ng enzymes sa dugo. Ang ilang pagbabago sa lebel ng enzymes sa dugo ang makapagsasabi kung may naganap na atake sa puso.
- Echocardiography. Binabasa ng instrumentong ito kung nasa normal ang pagtibok ng puso. Malalaman nito kung aling bahagi ng puso ang hindi gumagana ng maayos.
- Cardiac Catheterization o Cardiac Cath. Ginagamit ito sa simula pa lang ng atake sa puso upang makita kung saan at alin mismong bagi ng puso ang may problema. Makatutulong din ito sa mga doktor upang malaman kung anong hakbang ang dapat gawin sa pag-gamot sa baradong ugat sa puso.