Q: Bakit po ba nagkakaron ng kulugo sa vagina ng babae? Pag nahihirapan ba huminga ang lalake at parang masaket ang likod at may konteng kirot ibig sabihin ba nito may tulo?
A: Ang pagkakaron ng kulugo o warts sa vagina o pwerta ng babae ay dahil sa isang virus na tinatawag na Human Papillomavirus o HPV. Ito’y nakukuha sa pakikipag-sex sa isang tao na mayroon ring kulugo; dahil dito, ito ay itinuturing na isang sexually-transmitted disease o STD.
A: Ang pakikipag-sex ng walang proteksyon (hindi gumagamit ng condom o pumapayag na ang partner ay hindi gumamit ng condom) ay isang pwedeng magdagdag ng probabilidad na makakuha ng kulugo, subalit kahit walang condom ay pwede paring mahawa nito. Ang pakikipag-sex sa iba’t ibang tao, at sa mga taong hindi kilala, ay nakaka-dagdag rin ng posibilidad na mahawa ng warts o kulugo.
Kahit walang nakikitang kulogo sa balat, pwede paring may HPV ang isang tao, kaya hindi sapat na tingnan lamang ang itsura ng katawan ng isang tao upang masabi na siya’y wala nito. Kaya dapat talaga maging maingat sa pakikipagtalik.
May iba’t ibang paraan upang gamutin ang mga kulugo, kagaya ng pagpahid ng cream sa apektadong bahagi, at mga simpleng operasyon. Magpatingin sa iyong doktor upang ma-examine ang mga kulugo at malaman kung anong pwedeng gawin para dito.