Sinok, o kung sa Ingles ay hiccup, ay ang kondisyon na maaaring maranasan kapag ang kalamnan na kung tawagin ay diaphragm ay makakaranas ng muscle spasm. Ang diaphragm ay matatagpuan sa pagitan ng dalawang lukab ng katawan, ang lukab sa dibidib (chest cavity) at lukab ng tiyan (abdominal cavity). Dahil dito, naapektohan ang paghinga at nakapagdudulot ng pagsinok. Ito rin naman ay kusang nawawala.
Ano ang sanhi ng sinok?
Image Source: timesofindia.indiatimes.com
Ang pangunahing tinuturing na dahilan ng sinok o spasm ng diaphragm ay ang pagiging busog ng tiyan. Maaaring ito ay pagkabusog sa pagkain, sa tubig, o sa hangin. Ang pagkain o pag-inom ng malamig o mainit ay maaari din magdulot ng spasm sa diaphragm. Bukod sa mga nabanggit, ang stress o sobrang pagkakasabik ay nakakaapekto din sa pagkakaranas ng sinok.
Gaano katagal maaaring maranasan ang sinok?
Ang normal sinok ay kadalasang tumatagal lamang ng ilang minuto hanggang ilang oras. Ngunti sa ibang kaso, maari itong tumagal ng ilang araw o ilang buwan. Ang sinok na tumatagal ng higit sa dalawang araw ay tinatawag na persistent hiccup, habang ang sinok naman na umaabot ng higit sa isang buwan ay intractable hiccup. Ang pagkakaranas ng mahabang pagsinok ay kadalasang sintomas ng ibang seryosong sakit.
Anong sakit ang may senyales ng pagkakaroon ng pangmatagalang sinok?
Ang sinok na kadalasang umaabot ng ilang araw o buwan ay maaaring indikasyon ng pagkakaroon ng problema sa Central Nervous System. Maaari itong cancer, impeksyon, o stroke. Maaari rin itong indikasyon ng problema sa metabolismo, o kaya sa bato. Ang ilang hakbangin sa ospital gaya ng operasyon at pagaanestisya ay maaari din magdulot ng pangmatagalang sinok.
Ano ang gamot sa sinok?
Image Source: unsplash.com
Ang sinok ay kadalasang nawawala ng kusa at hindi na nangangailangan ng gamutan. Bagaman may ilang hakbang ang sinasabing makakatulong tanggalin ang pagsisinok. ang ilan dito ay ang sumusunod na hakbang:
- Pagpigil sa paghinga ng hanggang 10 segundo
- Pag-inom ng sunod-sunod ng malamig na tubig
- paglunok ng isang kutsaritang asukal o honey
Para naman sa sinok na tumatagal, nakadepende ang lunas sa kung anong sakit ang nararanasan. Minsan, nakakatulong pag therapy ng pagtutusok ng karayum, o acupuncture.
Sino ang maaaring maapektohan ng sinok?
Ang lahat ng tao ay maaaring maapektohan ng sinok. Wala rin pinipiling edad ang pagkakaroon nito. Ngunit ayon sa mga pag-aaral, mas mataas ang kaso ng pagkakaroon nito sa mga kalalakihan.