Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may 4 na Pinoy nurse sa Saudi Arabia ang nagpositibo sa Middle East Respiratory Syndrome (MERS).
Ayon sa tagapagsalita ng DFA sa embahada ng Pilipinas sa Riyadh, dalawang babaeng nurse na may edad 32 at 29, at lalaking nurse na may edad 53 at 50 ang mga naka-confine ngayon sa ospital na kanilang pinagtatrabahuhan sa Riyadh at patuloy na inoobserbahan sa Intenive Care Unit.
Siniguro naman ng ospital na nabibigay ang lahat ng pangangailangan at nabibigyan ng tamang kalinga ang mga Pinoy nurse na nagkasakit. Napagpaalaman na rin ang mga pamilya ng mga pasyente sa Pilipinas ukol sa dinadanas nilang kondisyon.
Kaugnay nito, pinaalalahanang muli ng DFA ang lahat ng Pilipinong nagtatrabaho sa mga ospital at pagamutan na mag-doble ingat para hindi mahawa ng nakamamatay sa MERS.