Balitang Kalusugan: DOH, nagbigay ng tips kung paano maiiwasan ang Food Poisoning

Dahil sa sunod-sunod na balita ng pagkakalason sa mga pagkain, pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko kung paano makakaiwas sa panganib ng food poisoning. Ayon sa ahensya, dapat iwasan at agad nang itapon ang mag pagkaing lampas na sa expiration date. Huwag ding basta-basta kainin ang mga pagkaing walang kumpletong nakalagay impormasyon o label. Huwag ding basta-basta bibili ng mga produktong “Buy 1, Take 1” sapagkat ang mga ito raw ay kadalsang malapit na o lampas na din sa expiration date.

Ayon kay Dr. Lyndon Le Suy, ang tagapagsalita ng DOH, kinakailangang mag-ingat sa lahat ng pagkaing kakainin, at bumili lamang mga sa tindahan na siguradong ligtas at bago ang tinitinda. Iwasang bilihin ang ma produktong nayupi o mukha nang luma sapagkat maaaring ito daw ay kontaminado na.  Kanya ding idiniin ang kahalagahan ng pagtingin sa expiration date ng lahat ng mga produkot. Ayon naman kay Health Undersecretary Nemesio Gako, dapat ding iwasan ang mga produktong walang label o kaya ay ni-repack lamang.

Dagdag pa nila, dapat ay agad na isugod sa pagamutan ang biktima ng food poisoning sa simula pa lamang ng pagkakaranas ng mga sintomas. Mahalaga din na madala sa ospital upang mapag-aralan ang pagkain na pinagsususpetsahang dahilan ng pagkakalason.