Naglabas ng health advisory ang Department of Health ukol sa sakit na sore eyes na nauuso ngayong panahon.
Ang sore eyes o conjunctivitis ay isang kondisyon kung saan ang mga mata ay namumula, nagluluha, at may pangangati. Dahil ito sa impeksyon ng ilang uri ng virus, gaya ng herpes simplex virus, na nakukuha kung direktang madidikit ang isang bagay na may kontaminasyon nito.
Sa ngayon ay wala pang gamot na makakalunas sa kondisyon ng sore eyes, bagaman ito ay kusa namang gumagaling. Nunit hinihikayat pa rin ng DOH na magtungo sa pinakamalapit na pagamutan at magpatingin kung ang mga sintomas na nararanasan ay mas grabe kaysa sa normal.
Ang sakit na ito ay lubhang nakakahawa, kaya naman kinakailangan ang masusing pag-iingat upang ang sakit ay hindi na maikalat pa. Ugaliin ang pag-huhugas ng kamay at iwasang mahawakan ang mga mata o kusutin ito. Iwasan din ang makisalamuha sa maraming tao sa buong haba ng panahon na apektado ng sakit. Kung ang mga anak ay magkakaroon ng sore-eyes, pagbawalan na siyang pumasok sa eskuwelahan.