Balitang Kalusugan: FDA, nagbabala laban sa ilang mga gamot sa mata na hindi nakarehistro

Ilang brand ng gamot na pinapatak sa mata ang tinukoy ng FDA dahil umano sa hindi pagkakarehistro ng mga ito. Kabilang dito ang sumusunod:

  1. Moxifloxacin Hydrochorlide (Moxibright) 5 ml eye drops
  2. Moxifloxacin Hydrochorlide + Dexamethasone Sodium Phosphate (Moxibright DM) 5 ml eye drops
  3. Carboxymethyl Cellulose Sodium + Glycerin (Tearbright plus) 10 ml eye drops
  4. Gatifloxacin + Prednisolone Acetate (Gatsun-P) 5 ml eye drops
  5. Moxifloxacin Hydrochorlide (Occumox) 5 ml eye drops

Kaugnay nito, inabisuhan ng FDA ang publiko na maging mapagmatyag at maingat sa mga gamot na bibilhin, lalo na kung ang mga ito ay hindi nakarehistro sa FDA. Ito’y sapagkat ang mga hindi nakarehistrong gamot ay posibleng mayroong ibang epekto sa kalusugan o ‘di kaya naman ay walang bisa ang gamot.

Agad naman na kinumpiska ang lahat ng gamot na kasama sa listahan upang maiwasan na mabili pa ito ng mga konsumer.

Ayon naman sa Department of Trade and Industries, kung sakaling nakabili na ng alinman sa mga gamot na nabanggit, maaari itong isauli o humingi ng refund.